Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Iran, ipinahayag kahapon ni Gong Xiaosheng, Espesyal na Sugo ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan, na ang estratehiya ng " Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" ay nagpakita ng komong hangarin ng maraming bansa sa Gitnang Silangan, at may batayang pandaigdig ito.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Gong na bago iharap ng Tsina ang naturang estratehiya, binanggit ng maraming bansa sa Gitnang Silangan ang kaisipan ng muling pagtatatag ng Silk Road. Kasabay ng pagpapasulong ng Tsina ng estratehiya ng "One Belt One Road," walang humpay na lalalim at uunlad ang kaalaman ng iba't ibang bansa tungkol dito, at magiging mas marami at malawak ang kooperasyon.
Salin: Vera