Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mohagher Iqbal, dumalo sa pagdinig ng Kongreso

(GMT+08:00) 2015-04-08 17:24:55       CRI

HUMARAP na si Moro Islamic Liberation Front Chief Negotiator Mohagher Iqbal sa pagdinig ng Kongreso kanina. Itinanong ni Davao City Congressman Karlo Nograles kay Government Peace Panel Chair Miriam Coronel Ferrer ang tunay na pangalan ni G. Iqbal sa kanyang mga pasaporte.

Naunang inakusahan ni Iqbal ng paggamit ng iba't ibang pangalan sa kanyang mga pasaporte matapos sabihin ng Bureau of Miigration na walang anumang pangalang Mohagher Iqbal na lumabas sa kanilang travel records.

Lumabas din ang balitang isang Malaysian citizen si Iqbal. Tumanggi si Iqbal sa mga alegasyon.

Ipinaliwanag ni Professor Coronel-Ferrer na ang pangalang ginagamit ni G. Iqbal ay isang "war name" lamang.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga nabalo at naulila ng SAF 44.

Hindi dumalo sa pagdinig kahapon si G. Iqbal sapagkat humarap siya at si Professor Coronel-Ferrer sa Foreign Correspondents Association of the Philippines.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>