Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Binuksan dito ngayong araw ang ika-26 na ASEAN Summit. Ang pangunahing target ng summit ay paggarantiya ng pagtatatag ng ASEAN Community bago ang katapusan ng taong ito, ayon sa iskedyul, at pagtatakda ng ekspektasyong pangkaunlaran ng ASEAN pagkatapos ng taong 2015.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia, na ang taong ito ay isang milestone sa kasaysayan ng ASEAN. Dapat aniya isakatuparan ang ekspektasyon ng pagtatatag ng ASEAN Community bago ang katapusan ng taong ito. Samantala, dapat itakda ng ASEAN ang mga dokumento sa susunod na hakbang, bilang pundasyon ng proseso ng integrasyon at pag-unlad sa darating na 10 taon, aniya pa.
Salin: Vera