Isang malawak na signature campaign ang inihandog ng HK Alliance for Peace and Democracy sa HongKong, mula ika-9 hanggang ika-17 ng buwang ito.
Ayon sa estadistika na isinapubliko kahapon ng naturang alyansa, mahigit 1.21 milyong pirma ang nakuha, sa siyam na araw na aktibidad. Ipinahayag ng alyansa ang pasasalamat sa suporta mula sa mga taga-HongKong. Ito anito'y nagpapakita ng komong mithiin ng mga taga-Hongkong bilang suporta sa reporma ng administrasyon nito.
Kaugnay nito, ipinahayag ng opisyal ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR) ang pag-asang susuportahan ng oposisyon ang HKSAR Chief Executive Election.