Dumalo at nagtalumpati kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pulong ng Pagpapalitang Pangkaibigan ng Tsina at Hapon. Ito ay nakatawag ng malaking pansin mula sa malalaking media ng Hapon.
Ito ay magkakasunod at agarang ibinalita ng mga mediang Hapones na gaya ng Kyodo, NHK, at iba pang mga pahayagan. Ang kanilang pagbabalita ay nagpokus sa posisyong inihayag ni Pangulong Xi. Kasabay ng pagpapahalaga sa relasyong Sino-Hapones, binigyang-diin din ng Pangulong Tsino ang posisyong hinding hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina sa isyung historikal.
Salin: Li Feng