Dumalo kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pulong ng Pagpapalitang Pangkaibigan ng Tsina at Hapon. Dito, binigyang-diin niya na sa diwa ng paggamit sa kasaysayan bilang salamin sa pagtanaw sa hinaharap, at sa pundasyon ng apat (4) na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, dapat magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang mapayapang pag-unlad para maisakatuparan ang pagkakaibigan sa hene-henerasyon, at makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan ng Asya at buong daigdig.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Hapon. Nakahanda aniya ang Tsina na sa pundasyon ng 4 na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, susulong ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Hapon.
Dagdag pa ni Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng anti-Japanese war ng sambayanang Tsino, at anti-fascist war ng buong daigdig. Aniya, ang mga krimeng ginawa ng militarismo ng Hapon ay hindi dapat pagtakpan, at hindi rin dapat pilipitin ang katotohanan ng kasaysayan. Ani Xi, ang anumang pananalita at aksyon na nagtatangkang pilipitin at pabutihin ang mapanalakay na kasaysayan ng Hapon, hindi ito matatanggap ng mga mamamayang Tsino at mga mamamayan ng mga nabiktimang bansang Asyano. Dagdag pa niya, ang mga mamamayang Hapones din ay biktima ng nasabing digmaan, at dapat magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang mapayapang pag-unlad para maisakatuparan ang pagkakaibigan sa hene-henerasyon.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Toshihiro Nikai, Presidente ng General Council ng Liberal Democratic, na napakahalaga ng nasabing talumpati ni Pangulong Xi. Gagawa aniya ang kanyang partido ng mas malaking pagsisikap para mapasulong ang relasyong Hapones-Sino.
Salin: Li Feng