Sa Shangri-La Dialogue na idinaos ngayong araw sa Singapore, bumigkas ng talumpati si Sun Jianguo, Vice Chief of Staff ng People's Liberation Army ng Tsina. Inilahad niya ang mga paninindigan at mungkahi ng panig Tsino hinggil sa pangangalaga sa kapayapaan at katiwasayan sa Asya-Pasipiko.
Sinabi ni Sun na igigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad, at patuloy na patitingkarin ng pamahalaan at tropang Tsino ang konstruktibong papel para sa pangangalaga sa katiwasayan at katatagan ng rehiyon at daigdig. Para magkakasamang harapin ang mga banta at hamon sa seguridad, nanawagan siya sa iba't ibang bansa na palalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, palakasin ang pagpapalitan at pagkokoordinasyon, at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba.
Ipinahayag din ni Sun na sa susunod na yugto, itataguyod ng panig militar ng Tsina ang espesyal na pulong ng mga ministro ng tanggulan ng Tsina at ASEAN, at ika-6 na Xiangshan Forum. Aniya, sa mga okasyong ito, patuloy na tatalakayin ng Tsina, kasama ng mga kalahok na bansa, ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad.
Salin: Liu Kai