Mula ika-10 hanggang ika-11 ng kasalukuyang buwan, idaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang "Boao Forum for Asia" (BFA) Hinggil sa Enerhiya, Yaman, at Sustenableng Pag-unlad. Dadalo rito ang mahigit 300 opisyal, mangangalakal, iskolar at dalubhasa mula sa Asya at iba't-ibang sulok ng buong daigdig, para talakayin ang situwasyon at bagong kayarian ng pagsuplay at pangangailangan ng enerhiya at yaman sa Asya. Bukod dito, tatalakayin din nila ang tungkol sa bagong ideya ng kooperasyong pang-enerhiya at pangyaman sa Asya.
Ayon sa ulat, magpopokus ang nasabing pulong, pangunahin na, sa isyu ng pagbabago ng presyo ng mga malalaking paninda na gaya ng enerhiya at yaman, at pagtaya ng tunguhin sa hinaharap; pagtatatag ng pangmalayuan, matatag, at sustenableng partnership ng enerhiya at yaman sa Asya; paghahanap kung paano itatag ang nasabing partnership, at kooperasyong pang-enerhiya sa ilalim ng estratehiyang "One Belt, One Road" na iniharap ng Tsina.
Salin: Li Feng