Ipinahayag kahapon ni Tung Chee Hwa, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino (CPPCC) ang pag-asang mapagtitibay ang plano tungkol sa administratibong reporma ng HK para pasulungin ang kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Sinabi niyang ito ay ang isang legal at makatuwirang plano na alinsunod sa malawak na pagsusuri at pagsuporta ng mga taga-Hongkong. Aniya, ito ay makakatulong hindi lamang sa rekonsilyasyon ng lipunan sa HK, kundi rin sa pagpapasulong ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito. Kung hindi aniya'y magpapatuloy ang pagtatalo at masasayang ang panahon, at walang pag-unlad sa kalagayan ng lipunan.