Nang sagutin niya ang tanong ng mamamahayag tungkol sa situwasyon sa kahilagaan ng Myanmar, sinabi sa isang regular na preskon kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang panig Tsino na aktuwal na tutugunan Myanmar ang may kinalamang kahilingang iniharap ng Tsina.
Ani Hong, hinggil sa situwasyon sa kahilagaan ng Myanmar, napakalinaw ng posisyon ng panig Tsino. Aniya, ang kapayapaan at katatagan sa nasabing rehiyon ay may kinalaman sa katahimikan ng purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar. Umaasa ang Tsina na ititigil ng Myanmar ang sagupaan sa lalong madaling panahon para mapanumbalik ang kapayapaan, katatagan, at normal na kaayusan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng