Pinabulaanan kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang akusasyon hinggil sa cyber-hacking ng mga opisyal na Amerikano na ayaw magpabanggit ng pangalan. Ayon sa nasabing mga opisyal, nakuha ng mga Chinese hackers ang sensitibong impormasyon na isinumite ng mga personahe ng intelihensya at militar ng Amerika para sa security clearances.
Sinabi ni Lu na maraming kasinungalingan mula sa mga taong ayaw magpabanggit ng pangalan. Ipinagdiinan niyang sa katotohanan, ang narinig at nakita ng komunidad ng daigdig ay ang cybertheft ng Amerika na may kinalaman sa mga impormasyon ng mga lider na dayuhan na gaya nina Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, mangangalakal at indibiduwal. Labag aniya ito sa pandaigdig na batas.
Salin: Jade