IKINAGALAK ng Embahada ng United Kingdom sa pamamagitan ng kanilang Charge d' Affaires, Trevor Lewis, ang unang bahagi ng decomissioning ng mga sandata ng Moro Islamic Liberation Front.
Ang pagsasalong ng may 50 high-powered at 25 crew-mounted weapons, at transition sa buhay sibilyan ng may 145 tauhan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ay isang magandang pangitain at napakahalaga sa peace process.
Samantalang nabibimbin sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law, ang pangyayari kahapon ay nagpapakita lamang ng katapatan ng MILF na isulong sa pamamagitan ng politika sa halop na magulong paraan ang kanilang mga layunin.
Tulad ng ibang peace processes, ang proseso ng normalisation ay mananatiling mahalaga. Kapuri-puri ang ginawa ni Pangulong Aquino na maghatid ng kapayapaan at kaunlaran sa mga Bangsamoro upang higit na pakinabangan ng buong sambayanang Filipino sa mas matagal na panahon.