|
||||||||
|
||
MALAKING hamon para sa lahat ang pagkakaroon ng malinis na pagkukunan ng enerhiya.
Ito ang sinabi ni Ginoong Bindu Lohani, Vice President for Knowledge Management and Sustainable Development ng Asian Development Bank sa pagbubukas ng 2015 Asia Clean Energy Forum sa ADB Headquarters sa Mandaluyong City kaninang umaga.
Sa kanyang talumpati sinabi niyang may mga naniniwalang sa pagbaba ng presyo ng petrolyo, 'di na kailangan pa ang paghahanap ng malinis na pagkukunan ng kuryente. May naniniwalang ang murang petrolyo ang sagka sa pagpapayabong ng renewable energy. Mali umano ang paniniwalang ito sapagkat ang petrolyo, uling at natural gas na kinikilalang fossil fuels subalit hindi silang magkakapantay. Ang oil-based power generation ay maliit na bahagi lamang ng pandaigdigang konsumo ng enerhiya.
Sa Europa at America, kahit pa bumagsak ang presyo ng petrolyo, hindi naman bumaba ang halaga ng kuryente.
Isang mahalagang bagay na dapat ding kilalanin ay hindi habang panahong mababa ang presyo ng petrolyo. Ang murang petrolyo ay makabubuti sa renewable energy sapagkat matatapos ng mga bansa ang kanilang oil subsidies at magkakaroon ng puwang para saa renewable energy na pakikinabangan ng madla sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ang angkop umanong fossil fuiel na ihahambing sa renewable ay ang uling o coal na nakakasabay ng renewable energy at nuclear energy. Yumabong ang renewable energy kahit pa bagsak ang presyo ng uling.
Sa pagsusuri ng Asian Development Bank, ang uling ang mananatiling dominant energy source sa Asia sa mga susunod na dekada. Sa kanilang pagtataya, sa taong 2035, ang paggamit ng uling sa rehiyon ay lalago ng 50% mula sa paggamit nito noong 2010. Kahit ang target na transformative energy goals na itinakda ng Sustainable Energy for All ay nagtataya na mayroong 36% ng world energy mix ay makakamtan sa 2050 kahit pa 2/3 ng energy na mula sa fossil fuel based sources na pinamumunuan ng uling.
Kung gagamitin ang uling, nararapat itong sa pagkakaroon ng maximum efficiency at gagamit lamang ng ultra-supercritical at supercritical power generation technologies at magkaroon ng retrofitting upang mabawasan ang paggamit ng uling.
Idinagdag pa ni G. Lohani na ang mga hamong ito ay 'di na bago subalit nangangailangan ng panibagong pananaw. Nakatulong na ang ADB sa ilang cross-border projects na pinakinabangan mula sa hydropower sa Lower Mekong countries hanggang sa energy training sa South Asia. Ang renewable resources ay hindi pa napapakinabangan kahit malaki ang pangangailangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |