Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panibagong coal-fired power plant, magdudulot ng pinsala

(GMT+08:00) 2015-06-18 16:28:57       CRI

KONTROBERSYAL kaagad ang balak na pagtatayo ng coal-fired power plant sa Batangas na pag-aari ng JG Summit.

Sa isang pahayag ni Lipa Archbishop Ramon C. Arguelles, sinabi niyang kung anu-anong lumalabas na kwento sa napipintong pagtatayo ng planta sapagkat gumamit pa ng mga tabloid upang iligaw ang mga mamamayan sa isyu. Pinalabas sa isang tabloid na may paring sang-ayon sa planta. Nabatid na ang paring diumano'y sangayon ay hindi mula sa Archdiocese of Lipa. Nalamang si Fr. Esperidion Celes ay isang taga-Archdiocese of Iloilo.

Ang kaparian ng Iloilo ay kontra din sa coal-fired power plant sa pangunguna ni Arsobispo Angel N. Lagdameo. Naglabas ng pastoral letter ang Wesern Visayas at Romblon bishops na napapanahon sa resolusyon ng Iloilo City Council na pumapayag na magtayo ng isang 100-megawatt coal-fired power plant sa lungsod.

Ipinaliwanag ni Arsobispo Arguelles na bagama't magandang pagkunan ng kuryente ang uling, sa mga pagsusuring ginawa ay nabatid na mas maraming kasamaang idudulot ito sa pagdudumi ng hangin at kapaligiran. Makakasama rin ito sa kalikasan, dagdag pa ng arsobispo. Mas makabubuting magtayo ng renewable energy sources tulad ng paggamit sa hangin, init ng araw, tubig at init mula sa ilalim ng lupa sa halip na magtayo ng coal-fired power plant. Ito rin ang paninindigan ng mga Obispo ng Negros, Panay at Romblon.

Ikinalungkot ng mga obispo ng Kabisayaan na hindi pinansin ang kanilang panawagang itigil ang pagtatayo ng coal-fired power plant. Wala ring karapatan si Fr. Esperidion Celes na magturo sa mga Batangueno na makabubuti ang coal-fired power plant. Nagkakaisa ang mga Batangueno kasama ang iba pang religious groups sa pagsusulong ng kabutihan ng madla.

May 21 coal-fired power plants ang pinahintulutan ng pamahalaang itayo sa pagkakaroon ng Environmental Compliance Certificates. Nakalulungkot na ilang ahensya ng pamahalaan ang 'di nakababatid ng pinsalang idudulot ng mga ito sa sangkatauhan.

Nakiisa rin si Arsobispo Arguelles sa mga taga-Diocese of Lucena na kontra sa balak na pagtatayo ng isa pang coal-fired power plant sa Atimonan, Quezon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>