Sa kanyang talumpati kahapon sa Ika-19 na St. Petersburg International Economic Forum, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na sa darating na ilang dekada, ang rehiyong Asya-Pasipiko ay magbibigay ng pinakamalaking lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Aniya, sa background na ito, mahalaga ang pagpapasulong sa rehiyonal na integrasyon.
Sinabi ni Putin na pinalalalim ng Rusya ang pakikipagkooperasyong pangkabuhayan sa Tsina, at sa pagtataguyod ng kapwa bansa, isinasagawa ang pag-uugnayan ng Eurasian Economic Union at Silk Road Economic Belt Initiative. Samantala aniya, pinalalakas din ng Rusya ang partnership ng Far East Region nito sa mga bansa ng Asya-Pasipiko.
Binuksan kamakalawa sa St. Petersburg, Rusya, ang naturang 3-araw na porum na may pangunahing paksa hinggil sa rehiyonal na integrasyon. Kalahok sa porum ang halos 7.5 libong kinatawan mula sa 114 na bansa ng daigdig.
Salin: Liu Kai