|
||||||||
|
||
Ipinalabas ngayong araw ng Tsina ang mga pangunahing aktibidad bilang paggunita sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagtatapos ng World War II at Ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Digmaan ng mga Tsino laban sa mga Mapanalakay na Hapones.
Sa kauna-unahang pagkakataon, idaraos ng Tsina ang parada bilang paggunita sa okasyong ito. Iimbitahan din ng Tsina ang mga hukbong dayuhan na lumahok sa parada na gaganapin sa ika-3 ng Setyembre ng taong ito.
Magtatalumpati rin si Xi Jinping, bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa preskon, sinabi ni Wang Shiming, Pangalawang Puno ng Publicity Department ng CPC Central Committee, na igagawad din ni Xi ang medalya sa mga beterano at kamag-anakan ng mga nagbuwis ng buhay sa digmaan.
Ang Hapon ay lumagda sa dokumento sa pagsuko noong ika-2 ng Setyembre, 1945, at ipinagdiwang ng Tsina ang tagumpay kinabukasan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |