Sa Great Hall of the People, Beijing — Nakipagtagpo ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga puno ng delegasyon ng iba't-ibang bansang kalahok sa seremonya ng paglagda sa "Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) Agreement."
Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagbati sa paglagda sa nasabing kasunduan. Tinukoy niya na ang pagtatatag ng AIIB ay naglalayong pasulungin ang konstruksyon ng imprastruktura at pag-uugnayan sa rehiyong Asyano, palalimin ang rehiyonal na kooperasyon, at isakatuparan ang komong pag-unlad. Aniya, ang paglagda sa nasabing kasunduan ay senyales na ang pagsasa-operasyon ng AIIB ay mayroong historikal na katuturan. Ipinakikita nito ang solemnang pangakong ginawa ng iba't-ibang panig hinggil sa pagtatatag ng AIIB, at ipinakikita rin nito ang pragmatikong aksyon ng iba't-ibang panig para sa magkakasamang paghahanap ng pag-unlad, ani Xi.
Dagdag pa ng Pangulong Tsino, kung patuloy na igigiit ng iba't-ibang panig ang diwa ng multilateral na kooperasyon, tiyak na magiging isang bagong bukas na platapormang may mutuwal na kapakinabangan ang AIIB. Ito aniya ay makakapagbigay ng positibong ambag para sa pag-unlad ng imprastruktura ng buong Asya.
Salin: Li Feng