BEIJING--Magkakasunod na nagbigay-galang kamakailan si Yang Xiuping, Puno ng ASEAN-China Center (ACC) kay Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas at mga embahador sa Tsina ng Indonesia at Biyetnam.
Nagpalitan ng kuru-kuro si Yang at ang mga embahador mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungang Sino-ASEAN at pagpapatingkad ng papel ng ACC hinggil dito
Sinabi ni Embahador Basilio na mabunga ang ginawa ng ACC sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa edukasyon, pamamahayag at public relations.
Ipinahayag naman ni G. Yang ang pasasalamat sa mga pasuguan ng ASEAN sa kanilang pagsuporta sa ACC. Nakahanda aniya ang ACC na palalimin ang pakikipagtulungan sa mga embahadang ASEAN para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Jade