ISANG Filipina at tatlong Malaysians ang nadakip sa Zamboanga City kanina dahilan sa sinasabing human trafficking.
Ayon sa pulisya, kasama ng apat na nadakip ang 32 babaeng biktima na kinabibilangan ng 11 menor de edad.
Ang mga tauhan ng pulisya, militar at mga kasapi ng Philippine Center for Transnational Crime ang sumalakay sa isang tahanan sa Estrada Drive sa Barangay Mampang kanina.
Nadakip sina Hadja Idang Pacsa at ang mga Malaysian na sina Inni Rajik, Mucer Bin Abbas at Mussan Binti Jamiri. Ayon sa pulisya, ang tatlong Malaysian nationals ang gumagamit ng mga sinaunang pasaporte. Walang record ng pag-alis at sa kanilang pagdating at nangangahulugan na matagal na sila sa bansa,
Sinusuri pa ng Social Welfare Office ng Zamboanga City ang mga biktima na mula umano sa Jolo, Sulu subalit hindi marunong mag-Tausug.