BEIJING—Kinatagpo ngayong araw ni Xu Qiliang, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina si Tea Banh, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Depensa ng Kambodya.
Sinang-ayunan ng dalawang opisyal militar na bilang mapagkaibigang magkapitbansa, matalik na magkaibigan at mabuting magkapartner, laging kinakatigan ng Tsina at Kambodya ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa soberanya, seguridad at pambansang kaunlaran. Umaasa anila silang patuloy na magtutulungan ang dalawang bansa at dalawang hukbo para mapalalim ang mga pragmatikong kooperasyon at magkasamang tugunan ang mga hamon.
Salin: Jade