Sa regular na pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na idinaos kamakalawa sa Beijing, sinabi ni Premyer Li Keqiang na noong unang hati ng taong ito, matatag ang takbo ng kabuhayang Tsino, at mabilis ang pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan. Aniya, may pananalig at kakayahan ang Tsina na isakatuparan ang nakatakdang target ng humigit-kumulang 7% paglaki ng kabuhayan sa taong ito.
Noong unang hati ng taong ito, mabuti ang iba't ibang pangunahing indeks na pangkabuhayan ng Tsina sa mga aspekto ng industriya, pamumuhunan, konsumo, pautang, presyo ng mga hilaw na materyal, at iba pa. Sinabi naman kamakailan ni Sheng Laiyun, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na ipinakikita nito ang inisyal na bunga ng mga patakaran ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, at mga hakbangin ng reporma na ipinalabas ng Tsina mula noong huling hati ng nagdaang taon. Ito rin aniya ay palatandaang lumitaw na ang mga positibong elemento sa takbo ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Liu Kai