|
||||||||
|
||
NEW YOK, punong-himpilan ng United Nations (UN)—Nanawagan kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa komunidad ng daigdig na tulungan ang mga bansang Aprikano na apektado ng Ebola.
Sa dalawang araw na Pandaigdig na Pulong hinggil sa Rekonstruksyon at Rehabilitasyon ng mga Bansang Apektado ng Ebola na ipininid kahapon, sinabi ni Ban na dahil sa pagkalat ng epidemiya ng Ebola, sinalanta ang kaunlaran ng tatlong bansa sa kanlurang Aprika na kinabibilangan ng Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Sinabi rin ni Ban na ang suporta mula sa komunidad ng daigdig ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng mga apektadong bansa sa agrikultura, pagmimina, kalakalan, turismo, transportasyon, pangingisda, paghahayupan at rekonstruksyon ng mga pasilidad na pampubliko na gaya ng ospital at paaralan.
Nanawagan din si Ban sa komunidad ng daigdig na tulungan ang nasabing mga bansa para maitatag ang mas mahusay na sistemang medikal at iwasan ang muling pagganap ng epidemiya.
Salin: Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |