Ipinahayag kahapon ng United Nations (UN) na kahit bumaba nang malaki ang bilang ng mga bagong karagdagang kaso ng mga nagkakasakit ng Ebola virus, dapat patuloy at aktibong pangasiwaan at kontrolin ang pagkalat ng naturang epidemya para isakatuparan ng pinal na target na walang anumang bagong kaso ng nagkakasakit.
Idinaos ng UN ang pulong hinggil sa epidemiya ng Ebola virus, sinabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang kasalukuyan ay masusing panahon para sa paglaban sa Ebola virus.
Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na patuloy na katigan ang paglaban sa naturang epidemiya.
Bukod dito, sinabi ni David Nabarro, Espesyal na Sugo ng UN sa isyung ito, na sa hinaharap, dapat magsikap para mapanumbalik ang mga normal na serbisyo na gaya ng edukasyon at kalusugan sa mga bansang malubhang naapektuhan ng epidemyang ito.