|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na may kompiyansa at kakayahan ang Tsina para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng pamilihan ng kapital, at ipagkaloob ang mapagkakatiwalaang kapaligirang pinansyal para sa paglago ng kabuhayan.
Sa isang pulong kamakailan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kabuhayan, sinabi ni Li na naghaharap at maghaharap ang Tsina sa iba't ibang hamon at panganib sa proseso ng ekspansyong pangkabuhayan, at pahahalagahan ito ng Tsina.
Aniya, may kompiyansa ang pamahalaang Tsino na mapipigilan ang anumang rehiyonal at sistematikong panganib sa kabnuhayan, at maigagarantiya ang pagkakaroon ng isang bukas, malinawag, matatag, at malusog na pamilihan ng kapital.
Ayon kay Li, nagsisikap ang Tsina para mapigilan ang malaking paglusok ng stock market nitong nakalipas na 3 linggo.
Inulit niya ang determinasyon ng pamahalaan na isaayos ang estruktura ng kabuhayan, padalihin ang administratibong prosedyur, enkorahehin ang inobasyon ng mga bahay-kalakal, pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan, at pasulungin ang mga serbisyong pampubliko.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |