Isang talakayan hinggil sa kalagayan ng kabuhayang Tsino ang ipinatawag kamakailan sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina. Lumahok dito ang ilang ekonomista at namamahalang tauhan ng mga malaking kompanyang Tsino.
Pagkaraang pakinggan ang palagay ng mga eksperto at mangangalakal hinggil sa takbo ng kabuhayang Tsino at operasyon ng mga bahay-kalakal, sinabi ni Li na sa kasalukuyan, umiiral ang kapwa mga positibo at negatibong elemento sa kabuhayang Tsino, kaya dapat magkaroon ng siyentipikong pagtasa sa kalagayan ng kabuhayan, at magsagawa ng mga mas wasto at epektibong hakbangin, para pasulungin ang magandang takbo ng kabuhayan.
Nanawagan din si Li sa mga bahay-kalakal na patuloy na magpalakas ng inobasyon, at magsagawa ng pandaigdig na kooperasyon, para pasulungin ang pag-u-upgrade ng kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai