Ipinatalastas ngayong araw ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, bibiyahe sa Tsina si Syotaro Yachi, National Security Advisor ng Hapon, mula ika-16 hanggang ika-18 ng kasalukuyang buwan. Sa panahong iyon, idaraos ng dalawang panig ang diyalogong pulitikal ng Tsina at Hapon sa mataas na antas, at magpapalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Hapones, at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng