Sa kanilang pagtatagpo kahapon ng hapon sa Beijing, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Jim Yong Kim, Puno ng World Bank, na matatag at mabuti ang takbo ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyan. Aniya, may kondisyon at kakayahan ang Tsina na maayos na harapin ang iba't ibang hamon, para igarantiya ang katamtamang paglaki ng kabuhayan.
Hinahangaan naman ni Kim ang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino para sa pagharap sa mga hamon sa kabuhayan. Aniya, ang tuluy-tuloy na paglaki ng kabuhayang Tsino ay mahalagang ambag para sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai