Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Shotaro Yachi, Puno ng National Security Council ng Hapon na kalahok sa diyalogong pampulitika sa mataas na antas ng Tsina at Hapon.
Sinabi ni Li na pagkaraan ng ilang taong mahirap na kalagayan ng relasyong Sino-Hapones, nagkakaroon ngayon ang kapwa bansa ng hangarin na pabutihin ang relasyong ito, pero nananatiling sensitibo at masalimuot ang relasyon ng dalawang bansa. Dagdag ni Li, ang mabuting relasyong Sino-Hapones ay mahalaga hindi lamang para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi rin sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito. Nanawagan siya sa Hapon na maayos na hawakan ang isyung pangkasaysayan, at igiit ang mga hakbanging pangkapayapaan, para maglatag ng pundasyon sa pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones.
Salin: Liu Kai