Sinabi kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na di-totoo ang mga nilalaman ng defense white paper ng Hapon hinggil sa normal na pag-unlad ng hukbong Tsino at mga aksyon sa dagat.
Aniya pa, matinding ikinalulungkot at tinututulan ng Tsina ang di-umano'y "China military threat" na pinaninindigan sa naturang white paper.
Kaugnay ng nabanggit na annual white paper, inilahad ni Lu ang mga paninindigang Tsino na kinabibilangan ng paggigiit ng landas ng mapayapang pag-unlad at depensibong patakarang pantanggulang-bansa, pagsasagawa ng mga aksyon sa dagat batay sa mga pandaigdigan at domestikong batas, pagkakaroon ng soberanya ng Diaoyu Islands at pangangalaga sa kapayapaang panrehiyon at pandaigdig.