Sa kanyang talumpati kahapon, ipinahayag ni Tomiichi Murayama, dating Punong Ministro ng Hapon, ang pagtutol sa pagpapatibay ng Mababang Kapulungan sa batas sa seguridad ng Hapon.
Ipinahayag ni Murayama na nitong 70 taong nakalipas, pagkaraan ng World War II, ipinapatupad ng Hapon ang Konstitusyong Pangkapayapaan, at ito ay nagsisilbing isang matibay na pader na naglalayo sa Hapon sa kapinsalaang dulot ng digmaan. Aniya, pinawalang-bahala ng kasalukuyang pamahalaan ni Shinzo Abe ang mithiin ng mga Hapones at sapilitang ipinasa sa Dieta ang nasabing batas. Hindi aniya ito matatanggap ng mga mamamayang Hapones.