Ayon sa website ng "Business Today" ng Myanmar, lumagda kamakailan ang mga kinatawan ng Pilipinas at Myanmar sa Memorandum of Understanding (MOU), at pinaplanong mag-angkat ng bigas ng Pilipinas mula sa Myanmar.
Ipinahayag ni Ye Min Aung, Pangkalahatang Kalihim ng Asosasyon ng Bigas ng Myanmar, na bilang isa sa mga pangunahing bansang nag-aangkat ng bigas sa daigdig, bibili ang Pilipinas ng halos 2 milyong toneladang bigas kada taon. Aniya, ang paglagda ng dalawang bansa sa naturang MOU ay nakakatulong sa paggagalugad ng bigas ng Myanmar sa pamilihang Pilipino.
Salin: Li Feng