Upang harapin ang epektong dulot ng El Niño at iba pang kalamidad na dulot ng matinding pagbabago ng klima, bilang isa sa mga malaking bansa sa daigdig na nag-aangkat ng pananim, pinaplano kamakailan ng Pilipinas na angkatin ang 250 libong toneladang bigas para mapalaki ang reserba ng pananim. Kasalukuyang naglalaban ang Biyetnam at Thailand para makuha ang nasabing order.
Ang presyo ng bigas mula sa Biyetnam ay 340 dolyares kada tonelada. Ito ay mas mababa ng 5 dolyares kumpara sa presyo ng bigas mula sa Thailand. Kaya, mayroong bentahe sa presyo ang bigas mula sa Biyetnam. Ngunit, binibigyan ng Pamahalaang Thai ng 30 dolyares kada tonelada na subsidy ang mga exporter.
Ayon sa ulat, noong isang taon, inangkat ng Pilipinas ang 1.7 milyong toneladang pananim.
Salin: Li Feng