"Nakahanda ang Iran na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa mga bansa sa Gulpo." Ito ang ipinahayag kahapon sa Kuwait ni Javad Zarif, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Iran, sa pakikipag-usap sa kanyang Kuwaiti counterpart na si Sabah al-Khaled al-Hamad as-Sabah. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Ang Kuwait ay unang istasyon sa biyahe ni Javad Zarif. Dadalaw rin siya sa Qatar at Iraq.
Noong ika-14 ng buwang ito, narating ng Iran at anim na bansang kinabibilangan ng Amerika, Pransya, Britanya, Rusya, Tsina at Alemanya ang kasunduan hinggil sa komprehensibong paglutas sa isyung nuklear ng Iran. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang biyaheng ito ni Javad Zarif ay naglalayong pahigpitin ang pakikipagtulungan ng Iran sa mga bansang Arabe sa Gulpo at pasukin ang mas maraming pamumuhunan mula rito.