Ipinahayag kahapon ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), na narating ang nagkakaisang posisyon ng lahat ng 28 kasaping bansa ng NATO sa pagbibigay-tulong sa konstruksyong pandepensa at panseguridad ng Iraq.
Sinabi niyang ito ay tugon sa kahilingan ng Iraq.
Ayon sa pahayag ng NATO, magbibigay-tulong muna ang NATO sa Iraq sa mga larangan na gaya ng reporma sa departamentong panseguridad, cyber defense, at medisinang pangmilitar.
Bukod dito, ipapadala ng NATO ang mga dalubhasa para isagawa sa Turkey at Jordan ang mga pagsasanay sa mga tauhan ng Iraq.