Binuksan kahapon ng hapon sa Nanjing, kabisera ng lalawigang Jiangsu, Tsina ang kauna-unahang eksibisyong pangkasaysayan hinggil sa WWII Accepting Surrender Files sa Sonang Pandigma sa Tsina. Mananatili ang nasabing eksibisyon hanggang ika-8 ng Oktubre.
Noong ika-9 ng Setyembre, 1945, idinaos sa Nanjing ang seremonya ng pagtanggap ng pagsuko. Ito ay nagsisilbing sagisag, hindi lamang ng natamong tagumpay ng Digmaan sa Pagtatanggol ng Sambayanang Tsino Laban sa Hapon, kundi mahalagang papel din na pinapatingkad ng Tsina pagkaraan ng WWII, para itayo ang kaayusang panrehiyon ng Asya-Pasipiko at pangalagaan ang kapayapang pandaigdig. Samantala, ito rin ay isang pagsalungat sa pananalita ng puwersang makakanang Hapones na nagtatangkang baluktutin at pagandahin ang mapanalakay na kasaysayan ng militarismong Hapones.