Sinipi kamakailan ng National Broadcating Company (NBC) ang pahayag ng isang intelligence official ng Amerika na ayaw magpabanggit ng pangalan, hinggil sa umano'y cyber hacking ng panig Tsino sa e-mail box ng mga mataas na opisyal Amerikano na namamahala sa mga suliraning panseguridad at pangkalakalan, mula noong Abril, taong 2010.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Zhu Haiquan, Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Amerika ang pagtanggi ng Tsina sa nasabing akusasyon. Aniya, bilang biktimang bansa ng nasabing krimen, tinututulan ng Tsina ang lahat ng porma ng cyber hacking at isinasagawa nito ang mahigpit na hakbang para labanan ang nasabing aksyon.