Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi ngayong araw ni Japan Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, na hindi dadalo si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Sambayanang Tsino na gaganapin sa ika-3 ng susunod na buwan. Hindi rin aniya dadalaw si Abe sa Tsina sa malapit na hinaharap.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng Kyodo News Service na ang pagsuspinde sa pagbisita ni Abe sa Tsina ay makakaapekto sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.
Salin: Li Feng