Sa Chinatown sa San Francisco, Amerika-Binuksan dito kamakalawa ang kauna-unahang museo ng paggunita sa Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression. Ang pondong ginamit para sa pagtatatag ng nasabing museo ay mula sa mga Etnikong Tsino sa ibayong dagat. Ito ay naglalayong balaan ang mga batang henerasyon na igalang ang kasaysayan, at pahalagahan ang kapayapaan.
Samantala, pinuna ng opinyong pampubliko ng Amerika ang talumpating ipinalabas kamakailan ni Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon tungkol sa ika-70 anibersaryo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII). Hinihimok din ng mga iskolar na Amerikano ang pamahalaang Hapones na huwag itanggi ang sariling responsibilidad sa kasaysayan.