Nagtagpo kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Tanasak Patimapragorn ng Thailand.
Sinabi ni Wang na dapat buong sikap na isakatuparan ng dalawang bansa ang konstruksyon ng mga malaking imprastruktura at palalimin ang kooperasyong panseguridad.
Sinabi naman ni Tanasak Patimapragorn na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura at seguridad.
Bukod dito, sinabi ni Wang na patuloy at matatag na kakatigan ng Tsina ang proseso ng integrasyon ng ASEAN, konstruksyon ng ASEAN Community at pagganap ng pangunahing papel ng ASEAN sa mga kooperasyon ng Silangang Asya.