Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaisa, kailangan upang mapigil ang katiwalian

(GMT+08:00) 2015-09-01 15:40:49       CRI

NAGKAKAISANG nagpahayag ng kanilang paniniwalang pagsasama-sama ng mga mamamayan ang siyang pipigil sa kultura ng pagnanakaw sa pamahalaan at lipunan. Naganap ito sa lingguhang talakayan sa "Tapatan Sa Aristocrat" kaninang umaga.

PAGSASAMA-SAMA NG MGA MAMAMAYAN, KAILANGAN.  Sinabi ni Fr. Atilano"Nonong" Guzman (may mikropono) na kailangang magsama-sama ang mga mamamayan upang mapigil ang kultura ng katiwalian.  Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.  Na sa gawing kanan si Joel Sy-Egco, pangulo ng National Press Club na nagsabing hirap ang whistleblowers sa karanasan ng kanyang tinulungan na nakababatid ng iskandalo sa pagbili ng helicopters kamakailan.  (Melo M. Acuna)

Ito ang nagkaisang pahayag nina Engr. Rodolfo "Jun" Lozada, ang whistleblower sa NBN-ZTE scandal noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Pangulong Joel M. Sy-Egco ng National Press Club at Fr. Atilano "Nonong" Guzman, ang namumuno sa adokasiyang "Huwag Kang Magnakaw" na halaw sa Ika-pitong Utos.

Niliwanag ni G. Egco na higit na mapipigilan ang corruption sa oras na maipasa ang "Freedom of Information Bill" ganoon din ang "Whistleblowers Bill," "anti-political dynasty bill" at mga panukalang batas na magpapalakas pa sa Witness Protection Program.

WHISTLEBLOWERS KAILANGAN NG TULONG.  Ayon kay Engr. Rodolfo "Jun" Lozada (kaliwa) kailangang maipasa ang mga panukalang batas na tutulong sa whistleblowers tulad ng pagpapalakas ng Witness Protection Program at maging ang Freedom of Information Bill. Nakasama si Engr. Lozada sa mga panauhin kanina sa "Tapatan sa Aristocrat."  (Melo M. Acuna)

Para kay G. Lozada, hirap ang mga nagnanais magbulgar ng mga katiwalian sapagkat walang katiyakan ang kanilang kinabukasan at kaligtasan. Ipinaliwanag ni G. Lozada na mabuti na lamang ay may nagkanlong sa kanya at sa kanyang pamilyang mga madre at iba pang relihiyoso noong ibulgar niya ang mga katiwalian noong mga huling araw ng Arroyo administration.

Isang malalim na isyu ang katiwalian sapagkat nagmumula ito sa tahanan, paliwanag ni Fr. Fajardo sa pamamagitan ng mga magulang na tila kakaiba ang pananaw sa pag-uumit ng mga kagamitan mula sa lapis at papel sa paaralan hanggang sa office supplies sa tanggapang pinaglilingkuran.

Nakakabahala umano ang posibilidad na hindi masusupil ang katiwalian kung walang matinong mga pinunong mahahalal. Mas matagal ang pinsalang idudulot ng mga politikong namimili ng boto sapagkat nangapital na sila sa kampanya pa lamang at babawiin mula sa kaban ng bayan ang salaping nagastos samantalang nanunungkulan.

Sa panig ni G. Egco, nalulungkot umano ang kanyang tinulungang whistleblower sa P 1.2 bilyong helicopter scam sapagkat pinagpasa-pasahan lamang siya ng komite ni Senate Blue Ribbon Chairman Teofisto Guingona III.

Hindi pa umano naikakalendaryo ang susunod na pagdinig. Ikinalungkot din ng whistleblower na sa mga unang pagdinig pa lamang ay siya na ang ginisa ng komite sa halip na suriin ang mga dokumentong kanyang naisumite sa mga pagsisiyasat.

Umaasa pa rin si Fr. Fajardo na mas maraming mga Filipino ang magsusuot ng "Huwag Kang Magnakaw" t-shirts upang magkaroon man lamang ng pangako sa sariling hindi gagawa ng anumang katiwalian.

Ani Fr. Fajardo, mayroong 20% conversion at mangangambang mababagabag ng kanilang konsensiya ang sinumang lalahok sa kampanya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>