NATAPOS na ang protesta ng iba't ibang komunidad ng Iglesia ni Cristo sa ilang bahagi ng bansa matapos ang higit sa tatlong araw.
Sinabi ni General Evangelist Bienvenido Santiago na ang kanilang ginawang mapayapang pagtitipon mula noong Huwebes ng hapon ay natapos na kaninang umaga.
Nag-usap na umano ang pamahalaan at ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo at naliwanag na ang mga 'di pagkakaunawaan.
Idinagdag pa niyang tapos na ang pagtitipon at maglilinis na sila. Nasabi na nila ang kanilang nais sabihin at napatunayan nilang nagkakaisa ang Iglesia Ni Cristo.