|
||||||||
|
||
SA kainitan ng mga batikos mula sa Iglesia Ni Cristo laban kay Justice Secretary Leila De Lima at sa kanilang pagkakampo sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue sa Mandaluyong City, naglabas ng pahayag si Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kahapon.
Sa kanyang mensahe, nanawagan siyang manalangin ng walang humpay na magkaroon ng payapang katapusan ang sigalos ayon sa nais ng Panginoon at bilang pagtalima sa napapaloob sa Saligang Batas.
Nanawagan siya sa mga Catolico na huwag nang magpainit pa ng situwasyon sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga tsismis. Kailangang manatili ang paggalang sa isa't isa.
Nanawagan din siya sa mga abogadong Catolico na mag-ambag ng kanilang pagkadalubhasa sa nagaganap at nais ng madlang maliwanagan sa mga batas na nagsasaad ng hanggangan ng freedom of religion at mga karapatan at obligasyon ng bansa.
Nanawagan siya sa mga nagtitipong Iglesia Ni Cristo sa igalang ang EdSA Shrine na isang simbahan kaya't kailangan ding igalang ito.
Sinabi pa ni Arsobispo Villegvas na kailangang sumunod sa batas ang lahat sapagkat kung ang batas naman ay hindi nakasasama sa moral precepts, ang pagsunod sa mga ito ay kinakailangan.
Bilang pangwakas, nanawagan siya sa mga politiko na huwag nang sumakay pa sa isyu na higit na magpapalala sa situwasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |