Bukas (ika-3 ng Setyembre) ay Ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon. Idaraos bukas ng umaga sa Tian'anmen Square ang aktibidad ng paggunita. Bibigkas ng mahalagang talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangulo ng bansa, at Pangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC.
Sa panahong iyon, isasagawa ng China National Radio (CNR), China Central Television (CCTV), at China Radio International (CRI) ang live coverage hinggil sa aktibidad.
Salin: Li Feng