Bilang tugon sa aktibidad na itataguyod ng Tsina sa ika-3 ng Setyempre para gunitahin ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng anti-Fascist War ng daigdig at War of Resistance Against Japanese, ipinahayag ng mga dalubhasang Hapones na dapat mataimtim na pagsisihan ang responsibilidad ng Hapon sa World War II (WWII) para maiwasan ang muling pagganap ng trahedya ng digmaan.
Bukod dito, binigyang-diin nila ng mataas na pagtasa ang tagumpay ng War of Resistance Against Japanese ng Tsina.
Sinabi ni Kamakura Takao, propesor mula sa Saitama University, na ang digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa mga mananalakay na Hapones ay nagpasulong ng pagsasarili at liberasyon ng Nasyong Tsino. Mahalaga ang katuturan nito para sa Asya at buong daigdig.
Sinabi naman ni Jiro Honzawa, Tagapag-analisang Hapones at dalubhasa mula sa Wuhan University, na noong WWII, pinag-buklod ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang puwersa ng buong sambayanang Tsino para labanan ang mga mananalakay na Hapones, kaya gumanap ito ng malaking papel sa digmaang ito.
Sinabi pa niyang ang tagumpay ng Tsina sa digmaan laban sa mga mananalakay na Hapones ay nagbigay ng mahalagang ambag para sa world anti-Fascist War. Ito aniya ay nagbibigay-tulong sa pagpapalaya ng ibang mga bansang Asyano mula sa pananalakay ng Hapon noong WWII.