Ipinalabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Successful Practice of Regional Ethnic Autonomy in Tibet." Tinukoy nitong sa ilalim ng sistema ng awtonomiyang pambansa at panrehiyon, walang humpay na sumusulong ang kabuhayan at lipunan ng Tibet, tumataas nang tumataas ang lebel ng pag-unlad ng modernisasyon, at may mabisang paggarantiya ang karapatan sa buhay at karapatang pangkaunlaran ng mga mamamayang Tibetano.
Tinukoy ng white paper na noong 2014, tumaas sa 92.08 bilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tibet, mula 327 milyong yuan RMB noong 1965. Ito ay lumaki ng 281 ulit. Sapul noong 1994, umabot sa 12.4% ang karaniwang taunang paglaki ng GDP ng Tibet nitong nakalipas na 20 taong singkad.
Anang white paper, nabuo sa kabuuan ang komprehensibong sistema ng komunikasyon at transportasyon ng Tibet, at naging mas maginhawa ang transportasyon. Bukod dito, unti-unting kumukumpleto ang sistema ng modernong telekomunication network.
Salin: Vera