Nitong nakalipas na ilang araw, binigyan ng komunidad ng daigdig ng lubos na pansin at positibong pagtasa ang mahalagang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa V-Day celebration bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, lalong lalo na, mga pahayag na may kinalaman sa "palagiang paggigiit ng Tsina sa pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad," at "di-kailanman pagsasagawa ng hegemony."
Ipinalalagay ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo sa ibayong dagat na ang talumpati ni Xi ay nagpapakitang isasabalikat ng Tsina ang responsibilidad bilang isang responsableng malaking bansa, magpupunyagi sa usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at gagawa ng mas malaking ambag para sa paglikha ng magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Ipinalalagay ni Indrananda Abeysekera, Tagapangulo ng Samahan ng Kooperasyong Panlipunan at Pangkultura ng Sri Lanka at Tsina, na ang naturang talumpati ay nagpapakita ng kakayahan at determinasyon ng Tsina sa pagpapasulong ng kapayapaan ng buong mundo bilang isang responsableng malaking bansa.
Sinabi naman ni Oh Ei Sun, Senior Researcher ng S. Rajaratnam School of International Studies ng Singapore Nanyang Technological University, na ang pagpapatalastas ni Pangulong Xi ng pagbabawas ng 300,000 sundolo ay nagpapatunay ng katapatan ng kapayapaan ng Tsina sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera