Ayon sa Xinhua News Agency, isinapubliko ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang preliminary verification data ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa. Kung ihahambing sa inisyal na datos na isinapubliko noong unang dako ng kasalukuyang taon, ang kabuuang bilang ng GDP ay bumaba ng 32.4 bilyong Yuan, RMB. Ang bahagdan ng paglaki ng GDP ay bumaba sa 7.3%.
Sa pamamagitan ng bagong kuhang tunay at komprehensibong datos, ang pagsasagawa ng angkop na rebisyon sa GDP ng bansa ay kasalukuyang karaniwang kagawian sa daigdig. Mula noong taong 2003, isinagawa ng Tsina ang reporma sa pagsisiyasat at pagsasapubliko ng GDP ng bansa. Ang taunang pagsisiyasat sa GDP ay hinahati sa tatlong hakbang na kinabibilangan ng preliminary accounting, preliminary verification, at final verification.
Salin: Li Feng