Ipapalabas bukas ng People's Daily ang editoriyal na pinamagatang "Patatagin ang Kompiyansa ng Landas, Itayo ang Magandang Tibet — Maringal na Pagdiriwang sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet." Tinukoy ng editoriyal na 50 taon na ang nakararaan, ang pagkakatatag ng rehiyong awtonomo ng Tibet ay nagpasimula ng liberasyon at kalayaan ng mga mamamayang Tibetano. Nitong 50 taong nakalipas, sa matatag na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa ilalim ng pagkatig ng mga mamamayan ng buong bansa at pagsisikap ng mga mamamayang Tibetano, napatibay ng rehiyong awtonomo ng Tibet ang magandang kalagayan ng pagkakaisa ng mga nasyonalidad at maharmoniyang lipunan. Anito, natamo nito ang napakalaking progreso, at naisakatuparan ang kaunlarang historikal sa kabuhayan at lipunan. Ang napakalaking pagbabago sa Tibet nitong 50 taong nakalipas, ay nagpatunay na may napakalaking bentahe ang sistemang sosyalista. Bilang isang pundamental na sistemang pulitikal, ang system of regional national autonomy na may katangiang Tsino ay tumpak na paraan para malutas ang isyu ng nasyonalidad ng bansa.
Dagdag pa nito, idinaos kamakailan ng Komite Sentral ng CPC ang talakayan tungkol sa isyu ng Tibet. Sa kanyang mahalagang talumpati sa talakayan, ginawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mahalagang estratehikong pagsasaayos para sa ibayo pang pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan, at pangmalayuang katatagan sa Tibet.
Salin: Li Feng