Ipinalabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang White Paper na pinamagatang Ang Kaunlaran at Progreso ng Tibet para komprehensibong ilahad ang kasaysayan, karanasan at mga natamong bunga ng Tibet nitong mahigit 60 taong nakaraan.
Ang nabanggit na white paper ay kinabibilangan ng 6 na bahagi na gaya ng kaunlaran at progreso ng Rehiyong Autonomo ng Tibet, pag-unlad ng kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pag-unlad ng pulitika at pagkakaroon ng kalayaan at kapangyarihang patakbuhin ang sariling pamumuhay ng mga mamamayang Tibetano, pangangalaga sa kultura at kalayaang panrelihiyon, pag-unlad ng lipunan at mga may kinalamang usapin, pangangalaga sa kapaligiran at konstruksyong ekolohikal.
Tinukoy ng white paper na ang kaunlaran at progreso ng Tibet noong nakaraang mahigit na 60 taon ay nagpapatunay na mayroong karapatan ang mga mamamayan ng Tibet sa pagtatamasa ng bunga ng modernong sibilisasyon, pagpapabuti ng kanilang pamumuhay at pagpili ng estilo ng pamumuhay.
Dagdag nito, ang kaunlaran at progreso ng Tibet ay angkop sa magkakasamang hangarin ng mga lahi sa Tibet, ito rin ay bunga ng komprehensibong pag-unlad at progreso ng Tsina.
Salin: Ernest