Nitong ilang araw na nakalipas, ipinalabas ang koment ng media sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hongkong (HKSAR) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) na kinabibilangan ng pahayagang Ta Kung Pao, Wen Wei Po, Sing Tao Daily, Oriental Daily, Macao Daily at iba pa, hinggil sa talumpating binigkas kamakailan ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression at World Anti-Fascist War.
Ipinalalagay nilang ipinakikita nito ang imahe ng Tsina bilang isang malaking bansa sa daigdig, kabilang dito hindi lamang ang paggunita sa kasaysayan, kundi determinasyon ding pangalagaan ang kapayapaang pandaigdig.
Sinabi ng pahayagang Oriental Daily na ang salitang "kapayapaan" ang paulit-ulit na nadinig sa talumpati ng Pangulong Tsino. Ipinatalastas din anito ng Pangulong Tsino ang pagbabawas ng 300,000 sundalo. Ito anito'y nagpapakita ng katapatan ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig.
Sinabi ng pahayagang Macao Daily na bago ganapin ang paradang militar, binigyan ng Pangulong Tsino ng medalya ang 30 kinatawan mula sa mga dating sundalong Tsino at tagasuportang dayuhan sa Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression. Anito pa, bilang pagbibigay-galang sa mga dating sundalo sa WWII, may pag-asang ipagpapatuloy ng mga batang henerasyon ang kanilang diwang laban sa militarismong Hapones at pasismo, matututo sa karanasan ng digmaan, at buong lakas na magsisikap para pangalagaan ang kapayapaan ng daigdig.